Tuesday, March 25, 2014

Para sa mga video gamers: South Korean School Now Accepts Computer Gamers As Student Athletes



Don't you know that in South Korea, being an expert gamer is accepted as a real job and professional career? No wonder that there is a university in the country which is now offering video gaming as a professional course. Chung-Ang University, one of the top ten South Korean Schools will now be accepting eSports applications next year for men and women who are very good at video games. The university has been known as the first in the country who offered several of the newest courses in South Korea. 
Chu-Ang University
Ito na siguro ang hinihintay ng mga video gamers para masabi sa kanilang mga magulang na may katuturan ang kanilang pagtutok sa computer buong araw para lang maglaro ng video games. Hindi ko lang alam kung gaano kadami ang magtatangkang subukan ang bagong kursong nabanggit sa itaas. Siguro  nga pinapangarap mo nang pumunta ng South Korea para lang magtangkang mag-aaply sa Chung-Ang University. 

Video Gaming: Kinahuhumalingan ng karamihan ng kabataan sa ngayon.
Pero, may malaking PERO. Ayon nga sa paaralan, hindi lang paglalaro ang gagawin ng mga atletang makukuha. Kailangan pa din nilang mapanatili ang mataas na grado sa ibang mga subjects. Kaya naman wala pa ring kawala ang mga gamers sa pag-aaral. :p

Sunday, March 23, 2014

Madreng sumali sa The Voice Italy, pinagkakaguluhan! Hinihintay pa ang tawag ng Santo Papa.


Pinagkakaguluhan ngayon sa youtube si Sister Cristina Scuccia
 Trending ngayon sa youtube at internet ang madreng sumali sa The Voice Italy nito lang Miyerkules. Siya si Sister Cristina, isang 25 anyos na madre na sumali sa audition dahil ayon sa kanya, gusto niyang ibahagi ang talentong biyaya sa kanya ng Diyos. Ginawa daw niya ito dahil sa paghikayat ng Santo Papa sa kanila na lumabas sa kanilang kumbento at ikalat ang salita ng Diyos. Tinanong pa muna siya kung tunay ba siyang madre dahil halos hindi makapaniwala ang lahat. Ayon sa biography niya, noong 2008, hindi pa naniniwala si Sister Cristina sa Diyos ngunit dahil sa isang pagtitipon na sina-ayos ng Ursuline Holy Order, nasagi ang kanyang puso at nagdesisyon siyang maging isang madre.

Kinanta niya ang "No One" ni Alicia Keys sa The Voice Italy
 Ang apat na hurado ay napapindot agad ng buzzer matapos nilang makitang nagsitayuan at nagsipalakpakan ang publiko. Si Sister Cristina na nakasuot pa talaga ng kumpletong tadisyunal na kasuotan ng isang madre ay kumanta ng "No One" na kanta ni Alicia Keys. Isa sa mga hurado, ang rapper na si J-Ax ay makikitang naluha matapos mapakinggan at makita si Sister. Biro pa ni J-Ax, kung narinig lang sana daw niya si Sister na kumanta sa simbahan noong kabataan niya ay siguro isa na siyang Santo Papa ngayon. 
 
Lahat ng hurado pati na ang lahat manunuod ay napahanga ni Sister.
 Lahat ng hurado ay napahanga at nagkasundo na si Sister ay "cool" at "energetic". Natanong ng isang hurado na si Raffaella Carra kung ano ang masasabi ng Vatican sa kanyang pagsali at ang tugon ni Sister ay hinihintay pa lang daw niya ang tawag ng Santo Papa. Sa huli, ginawa ng apat  na hurado ang lahat para makuha nila si Sister Cristina sa kanilang kanya-kanyang grupo ngunit pinili niya ang unang pumindot ng buzzer na si J-Ax. Sa sobrang saya ng rapper na hurado ay nabuhat pa niya ang madre sa entablado.

Labis na trending ang balitang ito lalo na sa Italy kung saan maraming katoliko. Sa ngayon, wala pang balita mula sa Santo Papa. Alam nating maraming ginagawa at responsibilidad ang mga madre ngunit para sa akin, sana lang ay mapayagan siya ng simbahan sa pagsali dito. 

Mapapanuod sa ibaba ang sobrang trending sa youtube ngayon na tungkol sa pagsali ni Sister Cristina sa The Voice Italy.